8 patay sa aksidente sa Pagadian City

Walo katao ang patay habang 12 ang sugatan matapos mawalan ng kontrol ang isang jeep at bumangga sa 2 sasakyan sa highway sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Ayon kay Pagadian City police chief Superintendent Alvin Saguban, binabagtas ng jeep ang Barangay Sao nang sumalpok ito sa isang pribadong sasakyan, dahilan para nawalan ng kontrol sa jeep ang driver.

Pababa aniya ang kalsada kaya nang mawalan ng kontrol ay nabunggo ng jeep ang isang sasakyan saka ito tumagilid at gumulong.

Sa paggulong ng jeep ay isa pang pribadong sasakyan ang nabangga nito.

Ayon sa saksi na si Marisa Copat, mabilis ang pagbaba ng jeep at tumalon ang mga pasahero na nasa bubungan para sila makaligtas.

Dead on arrival sa ospital sin Dato Genecan, Joleto Genecan, Ernesto Genecan, Mary Joy Genecan, Peacy, Florencio Jr., Lenda Baowan at Jelou Macatolad.

Ang mga sugatan ay nakilalang sina James Dagunog, Genelyn Dagunog, Bienvenido Dagunog, Nelda Dagunog, Vilma Puto, Neck Viton Puto, Lara Mae Gumitan, Gladys Siay, Jessa Made del Rosario, Jailanie Dagunog at ang driver ng jeep na si Warlito Padaran.

Read more...