Ulang bumuhos sa Metro Manila isang-katlo ng sa Ondoy

Katumbas ng one third (1/3) o isang-katlo ng ulang binuhos ng mapaminsanglang Bagyong Ondoy ang ulang bumuhos sa Metro Manila sa loob ng nagdaang dalawang araw.

Ayon sa PAGASA, umabot sa 142 millimeters ng ulan ang bumuhos mula Martes hanggang Miyerkules o isang-katlo ng 455 millimeters ng ulan na ibinuhos ng Ondoy sa loob ng 24 oras.

Ang pinakamalalakas na ulan ay naitala mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga ng Martes.

Ito ay ang mga panahong nanalasa ang bagyong Henry sa hilagang bahagi ng bansa at humatak sa hanging Habagat.

Samantala, sinabi ng weather bureau na bagaman hindi tatama sa kalupaan ay hahatakin pa rin ng bagyong Inday ang Habagat at magdadala pa rin ng mga pag-ulan sa mga sinalanta na ng bagyong Henry.

Read more...