Gobyerno maglalagay ng satellite networks sa 4 na lugar para sa SONA
Maglalatag ng government satellite networks (GSN) ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Isabela, Pampanga, Samar, at Sultan Kudarat ilang araw bago ang State of the Nation’s Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 23.
Ayon kay Radio-Television Malacañang (RTVM) Executive Director Demic Pabalan, ilalagay ito sa mga baryo na walang access sa telebisyon.
Samantala, sinabi naman ni PCOO Sec. Martin Andanar na ang mga satellite networks ay hindi lamang magbibigay sa mga mamamayan ng access sa television programs ng gobyerno kundi magbibigay access din sa mas mabilis na signal ng internet.
Ipinapakita lamang nito na sa pamamagitan ng teknolohiya ay inaabot ng gobyerno ang pinakamalalayong lugar kung saan ang pakiramdam ng mga tao ay sila ay napag-iwanan na.
Inaasahang ngayong linggo mailalatag ang mga GSN sa apat na lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.