Ateneo wagi kontra Japan sa Jones Cup

By Justinne Punsalang July 19, 2018 - 12:00 AM

Tinapos na ng Ateneo de Manila University Blue Eagles ang kanilang dalawang magkasunod na pagkatalo sa 2018 William Jones Cup.

Ito ay matapos nilang magwagi kontra koponan ng Japan sa kanilang naging laban kagabi na ginanap sa Xinzhuang Gymnasium.

Dahil dito, 2-2 na ang win-loss record ng Blue Eagles habang bumagsak naman sa 1-3 ang sa Japan.

Pinangunahan ni Angelo Kouame ang Blue Eagles matapos niyang makapagtala ng 15 puntos at 14 na rebounds.

Sinundan naman siya ni Thirdy Ravena sa pamamagitan ng kanyang 14 points at 9 rebounds.

Samantala, para sa Japan, si Takuma Sato ang nanguna matapos niyang makapagbigay ng 12 puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.