Carol Banawa isa nang registered nurse sa US

By Justinne Punsalang July 19, 2018 - 12:00 AM

Carol Banawa Instagram

Natupad na ng singer na si Carol Banawa ang kanyang pangarap na maging isang nurse.

Sa kanyang latest Instagram noong July 17post ay ibinahagi ni Carol na isa na siyang registered nurse.

Ngunit hindi ito sa Pilipinas, kundi sa Estados Unidos, kung saan siya at ang kanyang asawa at dalawang anak ay kasalukuyang nakatira.

May 12 nang makuha ni Carol ang kanyang diploma para sa kursing nursing sa Northern Virginia Community College, kung saan nagtapos ang singer bilang summa cum laude.

Bagaman prayoridad ni Carol ang kanyang pamilya at pagiging isang nurse, paminsan-minsan ay nagtatanghal pa rin siya at ipinamamalas ang kanyang talento sa pagkanta.

Kamakailan lang ay nagtanghal si Carol sa Buko Resto Bar na isang fund raising event para sa isang non-government organization (NGO) sa Estados Unidos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.