DOH: Namatay dahil sa leptospirosis, umabot na sa 68

Umabot na sa 530 ang bilang ng naitalang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Hulyo 14 ngayong taon ayon sa datos ng Department of Health.

Mas mataas ito ng 225 percent sa naitala sa kaparehong panahon noong 2017 kung saan 163 lamang ang naitala.

Sa kabuuang bilang na 530, ay 68 na ang namamatay ayon sa kagawaran.

Samantala, tumaas din ang bilang ng dengue patients ayon sa DOH.

Mula Enero hanggang Hulyo 14 ay naitala na ang 8,223 na kaso ng sakit na mas mataas din ng 7,038 na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.

Read more...