60 bahay mula sa Angat Buhay program ni VP Robredo, naipamahagi na sa Marawi residents

By Rhommel Balasbas July 19, 2018 - 01:40 AM

Pinasinayaan na ni Vice President Leni Robredo ang Angat Buhay Village sa Barangay Sagonsongan, Marawi City kung saan mayroong binuong 60 bahay para sa mga naapektuhang residente ng bakbakan sa lungsod.

Sa tulong ng pribadong sektor at non-governmental organizations sa tanggapan ng bise presidente ay nabuo ang transition shelters.

Kabilang din sa pondo para mabuo ang Angat Buhay Village ay nagmula sa P7.5 milyong donasyong nakolekta mula sa “Piso Para sa Laban ni Leni”.

Ipambabayad sana ito ng mga taga-suporta ni Robredo sa electoral protest  na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos ngunit hindi pinayagan ng Presidential Electoral Tribunal.

Noong Martes, ibinigay ng bise presidente ang symbolic key ng Angat Buhay Village kay Marawi Mayor Majul Usman Gandamra.

Present din sa turn-over ceremony sina Housing Assistant Secretary Felix Castro Jr, Xavier University-Ateneo de Cagayan president Fr Roberto Yap, SJ at mga residente ng bagong village.

Ayon sa bise presidente hindi lamang ito isang simpleng pamimigay ng bahay kundi pagbuong muli sa Marawi bilang isang komunidad.

Kamakailan ay sinabi ng tanggapan ni Robredo na nakatulong na ang Angat Buhay program sa 155,000 pamilyang mahihirap na Filipino sa buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.