Pilipinas binalaan sa pagbili ng mga armas sa Russia

By Den Macaranas July 18, 2018 - 08:47 PM

Inquirer file photo

Posibleng patawan ng sanctions ang Pilipinas kapag natuloy ang plano ng pamahalaan na pagbili ng mga armas sa isang Russian military hardware supplier ayon sa isang senior military officials.

Ipinaliwanag ng naturang opisyal na tumangging isapubliko ang kanyang pangalan, lalabagin ng bansa ang U.S sanctions sakaling ituloy ng gobyerno ang pagbili sa P400 Million ($7.4 Million) na halaga ng 750 RPG-7B rocket propelled grenade launchers mula sa kumpanyang Rosoboronexport.

Noong nakalipas na taon ay naglabas ng babala ang Washington laban sa mga kaalyadong bansa na umiwas sa anumang uri ng kasunduan may kaugnayan sa mga armas at intelligence gathering sa bansang Russia.

Tugon ito ng U.S sa ginawa ng Russia noong taong 2014 na pagsakop sa Crimea mula sa Ukraine, patuloy na suporta sa pamahalaan ng Syria at ang umano’y pakikialam nila sa 2016 U.S elections.

Sinabi ng naturang AFP officials na tiyak na masusubok ang pagiging magkaibingang bansa ng U.S at Pilipinas kapag itinuloy ng pamahalaan ang pagbili sa nasabing mga armas.

Magugunitang noong nakalipas na taon ay nag-donate ang Russia sa bansa ng daan-daang piraso ng AK-47 pero ang planong pagbili ng mga RPG ang siyang magiging kauna-unahang arm deal sa pagitan ng dalawang bansa.

Nauna nang inilagay ng U.S State Department sa kanilang watchlist ang kumpanyang Rosoboronexport dahil dito umano nagmula ang ilang mga armas na ngayon ay aktibong ginagamit sa mga digmaan at iligal na napunta sa ilang armadong grupo.

Wala namang binanggit na detalye ang U.S sa kung anong sanction ang pwede nilang ipataw sa bansa kapag natuloy ang pagbili ng gobyerno sa nasabing mga armas sa Russia.

TAGS: duterte, rpg, Russia, u.s sanctions, u.s state department, duterte, rpg, Russia, u.s sanctions, u.s state department

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.