Sa latest bulletin mula sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Inday 775 kilometers East ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 60 kilometers per hour at bugsong 75 kilometers per hour.
Sa PAGASA forecast, tatahakin ng bagyo ang Silangang direksyon ng bansa sa bilis na 25 kilometers per hour.
Magiging maulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Bataan at Zambales na pwedeng maging dahilan ng pagbaha at landslides.
Mananatili rin ang pag-uulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon habang ang Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng localized thunderstorms.
Sinabi pa ng Pagasa na pwedeng lumakas pa ang Bagyong Inday at maging Tropical Storm sa loob ng 24 oras.
Ang Bagyong Inday ay inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado.