Kahihinatnan ng 2019 elections dapat desisyunan na ayon kay Alvarez

By Erwin Aguilon July 18, 2018 - 07:18 PM

Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na kailangan nang magpasya ng Kongreso kung ipagpapaliban ang May, 2019 midterm elections bago ang paghahain ng Certificate of Candidacy sa Oktubre.

Ayon kay Alvarez, mahihirapan ng ipagpaliban ang eleksyon kapag nakapaghain na kandidatura ang mga nais maupo sa puwesto.

Paliwanag nito, mayroon na lamang na halos tatlong buwan para magpasya ang Kongreso kung itutuloy ang No-EL.

Ang No-El anya ay kailangan para maisulong ang posibleng pagpapalit ng porma ng pamahalaan patungo sa Pederalismo.

Samantala, sinabi rin ng pinuno ng Kamara na hindi sususportahan ng Senado ang no-election scenario ay maaring magkaroon ng people’s initiative upang amyendahan ang probisyon ng Saligang Batas na may kaugnayan sa pagkakaroon ng eleksyon kada tatlong taon.

Ipinaliwanag ni Alvarez na maari anyang gawin ito ng mga sumusuporta sa Pederalismo.

TAGS: Alvarez, charter change, federalism, No-elections, Alvarez, charter change, federalism, No-elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.