Pinayuhan ng pulisya ang publiko na manatili na lamang sa bahay kung walang importanteng gagawin sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na sinabihan ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga residente sa lungsod na mabuting nasa bahay lang sa Lunes July 23 kung wala namang lakad.
Pero tiniyak naman ng QCPD sa mga magtatrabaho sa araw ng SONA na ipapatupad ang seguridad at traffic management para sa kanilang kaligtasan at kapakanan dahil inaasahan ang matinding trapik dahil sa anti-Sona rally.
Alas-dos ng hapon sa July 23 ay isasara sa motorista ang North bound lanes ng Commonwealth Avenue mula Home Depot hanggang Lido Restaurant dahil sa protesta ng tinatayang 20,000 katao.
Pinayuhan ng mga otoridad ang mga motorista ukol sa aternatibong mga daan kasabay ng SONA.