Iba’t-ibang grupo nagsanib pwersa para sa anti-SONA rally

By Den Macaranas July 18, 2018 - 03:44 PM

Inquirer file photo

Ipinagyabang ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes na dahil marami ang sasama sa anti-SONA rally kaya hindi na sila magpupumilit lumapit sa Batasan Pambansa complex.

Ang harapan ng St. Peter’s Church ang nakita nilang venue para isagawa ang kilos-protesta kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanilang pakikipag-pulong sa mga opisyal ng Philippine National Police, ikinatwiran ni Reyes na masikip ang daan papunta sa Batasan Pambansa complex dahil sa ginagawang MRT 7 kaya hindi na sila sisiksik sa nasabing lugar.

Bukod sa grupong Bayan ay kasama rin sa mga magsasagwa na rally ang Movement Against Tyranny, Laban ng Masa, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Partido Lakas ng Masa, Sanlakas at Tindig Pilipinas.

Nagkasundo ang nasabing mga grupo na magsama-sama na lamang para makabuo ng malaking pwersa na gagawa ng kilos protesta kasabay ng SONA ng pangulo sa Lunes.

Sa nasabing dayalogo ay sinabi ni National Capital Regional Police Office Director Guillermo Eleazar na magpapatupad sila ng maximum tolerance para sa mga ralyista.

Pero nakiusap siya sa mga militanteng grupo na bantayan rin ang kanilang hanay para matiyak ang maayos na pagsasagawa ng kilos-protesta sa Lunes.

TAGS: batasan, duterte, eleazar, PNP, renato reyes, SONA, batasan, duterte, eleazar, PNP, renato reyes, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.