Bagyong Henry nag-iwan ng P2.9M na halaga ng pinsala sa mga pananim
Nag-iwan ng P2.9 million na halaga ng pinsala sa mga pananim ang bagyong Henry na mayroong international name na Son-Tinh.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nasabing halaga ng pinsala ay sa agrikultura pa lamang.
Sinabi ni NDRRMC spokesperson Edgar Posadas inaasahang tataas pa ang halaga ng pinsala ng bagyo sa sandaling makapasok na ang ulat ng kanilang field offices.
Sa ngayon, sinabi ni NDRRMC na umabot sa 116 na barangay sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA ang binaha dahil sa bagyong Henry.
Habang umabot sa 142 na lungsod at mga bayan ang nagdeklara ng suspensyon ng klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.