Klase sa mga paaralan sa Casiguran, Aurora, balik normal sa November 3

Tinib Calangwasan Integrated School. 3Sa November 3 na ibabalik muli ang klase sa mga paaralan sa Casiguran, Aurora na nasira ng bagyong Lando.

Ang Casiguran ang isa sa matinding hinagupit ng bagyo kabilang ang maraming eskwelahan.

Nakausap na rin ni Department of Education Secretary Armin Luistro ang ilang mga guro na nagtuturo sa isa sa paaralan na nakaranas ng grabeng pinsala gaya ng Tinib-Calangcuasan Integrated School.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sa gurong si Remedios Montero, sinabi niya na habang hindi nakukumpuni o nakakapagtayo ng bagong paaralan, maglalagay sila ng temporary o makeshift classroom para sa kanilang mga mag-aaral. “Unang-una sa kanilang mga personal na pangangailangan, nasira po yung kanilang mga bahay. Nabasa po ‘yun, nagiba talaga.” Ani Montero.

Mahalaga din aniyang matugunan muna ang gamit ng mga bata. “So, yung gamit po talaga nila sa eskwelahan wala po gaya ng mga notebook, papel at bag nasira po ang lahat. Siguro po yun po ang unang-unang pweding maitulong sa mga estudyante.”

Dagdag pa ni Montero, “ Sa school naman po, dahil nasira ang lahat ng mga instructional materials, wala po talagang magamit. Pati yung computer room na inaasahan namin na magagamit talaga, nasira po.

Samantala, balik na sa normal ang operasyon ng isang telecommunication sa bayan ng Casiguran at Dinalungan.

Inaasahang magbubukas na rin ngayon araw ang isang bangko na may mga atm para maserbisyuhan ang pangangailangan ng mga na-apektuhan ng bagyo.

Read more...