300,000 contractual workers ang na-regular sa trabaho ngayong taon – DOLE

Umabot sa 300,000 mga manggagawa na pawang mga contractual employee ang naregular ngayong taong 2018.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, target nilang mai-regular pa ang panibagong 300,000 pa na pawang contractual workers.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Bello na isa kasi sa mga pangunahing programa ni Pangulong Duterte ay ang matuldukan ang contractualization.

Magugunitang ilang beses binabatikos ng pangulo ang mga kumpanyang lumalabag sa labor code hinggil sa regulalarisasyon.

Kamakailan lang, inatasan ng DOLE ang Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) na gawing regular ang 7,000 nilang mga manggagawa.

Pero sa ngayon, hindi pa ito ipinatutupad ng PLDT.

Nais kasi ng PLDT na mag-apply muna ng panibago ang mga empleyado bago sila gawing regular.

Read more...