LPA sa Luzon isa nang bagyo; pinangalanang Inday ng PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 18, 2018 - 11:26 AM

Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA na nasa itaas bahagi ng bansa.

Pinangalanang Inday ang bagyo na huling namataan sa 660 kilometers East Southeast ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Silangan sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Ayon sa PAGASA sa susunod na 24 na oras ay maari pang lumakas ang bagyo at maging isang tropical storm.

Bagaman hindi magla-landfall, palalakasin ng PAGASA ang Habagat na maghahatid ng malakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Makararanas din ng kalat-kalat nap ag-ulan ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cavite, Batangas, Laguna at nalalabi pang bahagi ng Central Luzon hanggang sa Biyernes.

Ayon sa PAGASA sa Sabado inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Inday.

Ang bagyong Inday ang ika-siyam na bagyo ngayong taon at ikatlong bagyo ngayong buwan ng Hulyo.

TAGS: Radyo Inquirer, Tropical Depression Inday, weather, Radyo Inquirer, Tropical Depression Inday, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.