25 barangay sa Calumpit, Bulacan lubog pa rin sa baha

By Arlyn Dela Cruz October 23, 2015 - 08:19 AM

Calumpit ruel editedSobrang volume ng tubig ang bumaba sa Calumpit, Bulacan mula sa kabundukan ng Nueva Ecija.

Ang Calumpit ay catch basin at nadaraanan talaga ng tubig patungong Manila Bay lalo na kapag may malakas na ulan ngunit ayon kay Calumpit, Mayor Jessie De Jesus, hindi nila inaasahan na ganoon karami ang volume ng tubig na dadaan sa kanilang bayan. “ Natural catch basin kami dito sa Calumpit pero ang hindi namin inaasahan ay ang sobrang volume ng tubig mula sa mga kabundukan ng Nueva Ecija,”ayon pa sa alkakde.

Sa ngayon ay nasa 25 barangays pa rin ang lubog sa tubig baha sa Calumpit, Bulacan.

Ayon kay De Jesus,bagaman bumaba na ang tubig baha sa maraming barangay ngunit may mga barangay na lampas tao pa rin ang tubig tulad sa mga barangay ng Sapang bayan, Maysulaw at Gatbuca.

Nagsimula na rin ang pamimigay ng relief goods sa mga residente na karamihan ay nanatili sa kani-kanilang mga tahanan.

Ayon kay De Jesus, aabot pa ng limang-araw bago magbalik sa normal ang buong bayan ng Calumpit.

TAGS: Calumpit Bulacan Flood, Calumpit Bulacan Flood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.