Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, balak nilang gawin ito katulad na lamang sa mga napagkasunduan nila sa mga tinatawag na “joint zones of cooperation.”
Nakasaad sa anya sa tinatalakay na BBL ng bicam na ang mga inland bodies of water na ginagamit para sa energy production ay maaring ma co-manage ng national government at Bangsamoro regional government.
Gayunman ang mga inland bodies of water naman na hindi ginagamit sa energy production ay dapat namang hawak lang ng Bangsamo region government at hindi na dapat pang makihati dito ang national government.
sa ilalim ng House at Senate version ng Bangsamoro Basic Law (BBL), sinasabi na ang preservation at management sa mga inland bodies of water ay sa ilalim dapat ng territorial jurisdiction ng Bangsamoro region government.
Subalit nakasaad sa bersyon ng senado na mananatili ang karapatan ng mga Moro at non-Moro indigenous people sa pangangasiwa, pagpreserba, pag-manage at pag-kontrol sa resources na makikita sa mga ancestral domains.
Samantala sa bersyon naman ng kamara, exempted sa jurisdiction ng Bangsamoro region government ang mga inland bodies of water na nagbibigay ng kuryente sa mga power generating plants sa naturang mga lugar.