Hinatuan, Surigao Del Sur niyanig ng lindol
By Donabelle Dominguez-Cargullo July 18, 2018 - 09:29 AM
Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayang ng Hinatuan sa Surigao Del Sur.
Naitala ang pagyanig sa 44 kilometers North East ng Hinatuan, alas 8:55 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs 1 kilometer lang ang lalim ng lindol at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang intensity 1 sa Bislig City bunsod ng nasabign lindol.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.