Pasok sa senado suspendido na rin

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 18, 2018 - 09:11 AM

Sinuspinde na rin ang pasok sa trabaho sa senado dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.

Inanunsyo ni Senator Gringo Honasan II ang suspensyon dahil sa nararanasang tuluy-tuloy na pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ito ay bilang kunsiderasyon sa mga empleyado ng senado na mahihirapang pumasok dahil s amalakas na ulan at mga pagbahang nararanasan.

Sa kabila ng work suspension, malaki naman ang posibilidad na matuloy ang bicameral conference committee meeting sa panukalang Bangsamoro Basic Law.

Kahapon kasi kahit suspendido ang pasok sa senado ay itinuloy pa rin ang pulong ng bicam pero bigong maaprubahan ang panulakang BBL.

 

TAGS: Radyo Inquirer, Senate, work suspension, Radyo Inquirer, Senate, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.