Halos 500 pasahero stranded sa mga pantalan
Aabot sa 500 mga pasahero ang nananatiling stranded sa mga pantalan.
Sa datos ng Philippine Coast Guard, alas 4:00 ng madaling araw kanina, nakapagtala ng 482 na pasaherong stranded sa mga pantalan sa Palawan, Bicol, at Southern Tagalog.
Mayroon ding pitong barko at pitong motorbanca na stranded.
Pinakamaraming stranded na pasahero ay naitala sa El Nido Pier na umabot sa 234 at sa Mabini Port sa Batangas na umabot sa 124.
Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng coast guard sa Memorandum Circular Number 02-13 na naglalatag ng guidelines sa pagsuspinde ng biyahe ng mga sasakyang pandagat kapag hindi maganda ang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.