Biyahe ng PNR suspendido

Sinuspinde na ng Philippine National Railways (PNR) ang biyahe ng lahat ng kanilang mga tren.

Sa abiso ng PNR, mula alas 7:00 ng umaga sinuspinde ang serbisyo ng kanilang mga tren bunsod ng pagbaha na naitala sa mga riles.

Partikular na nakapagtala ng baha sa main line south ng PNR sa Manila division area 1.

Pagsapit naman ng alas 9:37 ng umaga ay nakabiyahe na ang isang tren ng PNR patungong Alabang at ang patungong Tutuban ay nakabiyahe na rin alas 9:30 ng umaga.

Read more...