Pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila suspendido na
Sinuspinde na ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila ngayong araw ng Miyerkules, July 18.
Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, patuloy ang pag-ulan sa Metro Manila at may posibilidad ng pagbaha ayon sa rainfall alerts ng PAGASA.
Dahil dito, iniutos na ni SC Acting Chief Justice Antonio Carpio ang suspensyon ng pasok sa lahat ng korte na sakop ng National Capital Judicial Region.
Sakop ng kautusan ang Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan at Court of Tax Appeals at mga mababang korte sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.