Pondo ng Comelec para sa 2016 elections, kulang

 

Ngayon lang napagtanto ng Commission on Elections (Comelec) na kulang pala ang pondo nila para sa 2016 elections.

Pahabol kasing humingi ang Comelec ng mahigit sa P1 bilyong halaga ng alokasyon sa Kamara dahil wala pala silang pondo para sa transmission ng mga boto.

Kabilang dito ay ang P500 milyong halaga na kinakailangan para i-transmit ang mga boto mula sa daan libong mga presinto patungo sa mga tabulation centers kung saan bibilangin ang mga ito.

Magmumula ito sa mga distrito, at saka dadalhin sa mga lungsod at probinsya, tapos ay patungo sa Comelec na itinalagang bumilang sa mga boto para sa mga kandidato sa pagka- sendor at sa Kongreso kung saan bibilangin ang mga boto sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.

Sinunod kasi ng Comelec ngayon ang ginawa noong 2013 elections na magkakahiwalay ang budget para sa PCOS, sa pag-imprenta ng mga balota at transmission ng mga boto, hindi katulad ng ginagawa ng Comelec sa mga naunang eleksyon na pagkakaroon ng bundled cost.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, humingi sila sa Kongreso ng karagdagang budet para maisakatuparan ang 100% transmission rate sa darating na halalan.

Aniya, ang paggamit ng sattelite na mangangailangan ng karagdagang P1 bilyon sa pondo ang nakita niyang solusyon para mas mapagbuti ang dating 76% transmission rate noong 2013 elections na napansin rin ng Kongreso.

Read more...