Number coding suspendido na ngayong araw – MMDA
Suspendido na ang pagpapatupad ng number coding ngayong araw sa Metro Manila ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay matapos ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa buong NCR ngayong araw.
Ayon sa abiso ng MMDA, dahil suspendido ang number coding, ang mga sasakyan na ang plaka o conduction sticker ay nagtatapos sa 5 at 6 ay maaring makabiyahe.
Pero sinabi ng MMDA na hindi sakop ng suspensyon ang Las Pinas at Makati City na mayroong sariling guidelines sa number coding.
Sa hiwalay na abiso naman, sinabi ni Makati PIO Chief Jun Salgado na suspendido na rin ang number coding sa lungsod ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.