Kadalasang umaani ng papuri ang mga opisyal ng NoKor sa isinasagawang factory visits ni Kim.
Gayunman, ayon sa state media na KCNA, ‘speechless’ ang lider matapos maabutang isa sa mga power plants ay 70% pa lamang na kumpleto.
Matagal nang isinusulong ng Pyongyang ang economic progress na ikalawang prayoridad kasunod ng paggawa ng nuclear weapons.
Sumailalim sa inspeksyon ni Kim ang apat na proyekto sa North Hamgyong province.
Dito niya nadiskubre na matapos ang 17 taon, 70 prosyento pa lamang na nabubuo ang Orangchon power station.
Binatikos din niya ang dumi ng mga bathtubs sa Onpho holiday resort.