Bicam, bigong maaprubahan ang pinal na bersyon ng panukalang BBL
Bigo ang bicameral conference committee na maaprubahan sa itinakdang deadline ang pinal na bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Kahapon, araw ng Martes, inaasahan sanang maaaprubahan ang final version ng panukala.
Sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na simple lamang ang dahilan kung bakit hindi ito naipasa at ito ay dahil sa kagustuhang mabuo ang isang mas magandang BBL.
Opisyal na itong tinatawag na “Organic Law for the Bangsamoro in the Autonomous Region in Muslim Mindanao.”
Gayunpaman, ayon sa opisyal, kumpyansa silang matatapos ito para mapaaprubahan sa pangulo sa Lunes, July 23.
Magkakaroon muli ng bicam meeting ngayong araw sa Senado upang tapusin ang panukalang batas.
Natapos na ng bicam panel ang Articles 1 hanggang 6 ng panukala at nakatakda nang trabahuin ang probisyon sa fiscal autonomy.
Ang unang apat na araw ng bicam ay ginanap sa Royal Crowne Plaza Hotel sa Pasig habang ang pulong kahapon ay ginanap sa EDSA Shangri-La hotel sa Mandaluyong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.