Plebesito para sa ratipikasyon ng panukalang BBL, posibleng isagawa sa Nobyembre

By Marilyn Montaño July 18, 2018 - 01:08 AM

Posibleng isagawa ang plebesito sa Nobyembre para sa ratipikasyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Senate Majority Leader Miguel Zubiri, kung maratipika sa Nobyembre, pwede nang magtalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga miyembro ng Bangsamoro Transition Authority sa Disyembre.

Ang transition authority ang magiging forerunner o tagapagpauna ng Bangsamoro Parliament.

Pahayag ito ni Zubiri bago ang pagpapatuloy ng deliberasyon ng bicameral conference committee na nagsapinal ng bersyon ng Senado at Kamara sa panukalang BBL.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na pipirmahan niya ang proposed BBL bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Ang BBL, na magsisilbing batas ng 2014 peace deal sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamc Liberation Front (MILF), ang bubuo sa Bangsamoro political entity na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.