Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ganitong paraan mabubura na ang nga haka-haka na tatakbong muli bilang pangulo ng bansa si Duterte sa 2022 sakaling mabago na ang kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa pederalismo.
Iginiit pa ni Roque na bababa sa puwesto ang pangulo kapag nakamit na ang pederalismo sa 2019.
Malinaw kasi aniya ang naging polisiya ng pangulo na kinakailangan na magkaroon ng transition president sakaling maisulong na ang pederalismo.
“We thank the Consultative Committee for accommodating the President’s request to provide for an elected transition president. This should finally allay all fears that PRRD has other motives for wanting to shift to a Federal form of government,” ani Roque.