Sereno, pinagalitan ng SC matapos isapubliko ng merito ng quo warranto case
Pinagalitan ng Korte Suprema si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil sa pagsapubliko nito ng merito ng quo warranto case na nakabinbin pa sa korte.
Kinastigo rin ng Supreme Court (SC) si Sereno sa pag-atake nito sa ibang mahistrado na dating nitong kasama sa trabaho.
Sa SC enbanc, binalaan ng korte si Sereno na huwag na nitong muling talakayin sa publiko ang kaso kundi ay mahaharap ito sa mas matinding parusa.
Bahagi ng May 11 ruling ng Korte Suprema na pumabor sa quo warranto petition at nagpatalsik kay Sereno sa pwesto ay ang paglalabas ng show cause order ng korte laban sa pagtalakay nito ng kaso sa publiko.
Pero napuna ng kataas-taasang hukuman na nilabag ni Sereno ang subjudice rule at naglabas umano ito ng masamang pahayag laban sa ilang mahistrado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.