Jaafar, 100 porsyento nang sang-ayon sa nilalaman ng proposed BBL

By Jan Escosio July 18, 2018 - 12:42 AM

Isandaang porsyento nang sang-ayon si Bangsamoro Transition Commission Chairman Ghadzali Jaafar sa nilalaman ng Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Jaafar, wala na silang nakikitang problema sa nilalamang probisyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) proposal ng Bicameral Conference Committee.

Ito anya ay matapos magkaroon caucus ang BiCam panel kasama ang mga stakeholders para maresolba ang mga hindi pa pinagkakasunduan sa panukalang BBL.

Sa naging caucus napagkasunduan na alisin na ang mga katagang “national laws” sa mga pinagtatalunang probisyon dahil sumusunod naman sa konstitusyon ang gagawing batas ng Bangsamoro parliament.

Nauna rito, nagbabala si Jaafar Na hindi nila susuportahan ang BBL kapag hindi sinunod ng Bicam ang bersyon na kanilang inihain base sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Iginiit nito na kaduda-duda ang pabago-bagong opinyon ng mga mIyembro ng BiCam na posibleng mauwi din sa pagbawi nila ng suporta sa BBL.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.