Flights patungo sa ilang lugar sa Mindanao, kanselado dahil sa ‘haze’
Dahil sa ‘haze’ na umiiral sa ilang mga lalawigan sa Central Mindanao, ilang byahe ng Cebu Pacific at Philipine Airlines ang nakansela simula pa noong nakaraang Sabado.
Ayon kay Roy Jumawan ng Pagasa, nakipagpulong na sa kanila ang mga kinatawan ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Department of Environment and Natural Resources sa Autonomous Region in Muslim Mindanao upang talakayin ang epekto ng naturang ‘haze’.
Sa naturang pagpupulong aniya napagkasunduan na huwag munang magpalabas ng ‘green light’ o ‘go-signal’ sa alinmang eroplano para makalipad paalis o patungo ng Awang airport sa Cotabato City bilang safety precaution.
Paliwanag ni Jumawan, nagmula ang haze sa mga forest fire sa Sumatra at Kalimantan sa Indonesia at patuloy na kumakalat sa iba pang bansa tulad ng Pilipinas.
Damay din sa haze ang mga bansang Malaysia, Brunei, na dinadala ng southwest monsoon o hanging amihan.
Bukod sa Cotabato City, apektado rin ng haze ang Davao City, General Santos City, Cagayan de Oro city at iba pang lungsod at bayan sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.