Malakas na pag-ulan nararanasan sa Bacoor, Cavite

By Justinne Punsalang July 17, 2018 - 08:18 PM

Kanselado na ang pasok sa lahat ng antas, kapwa pampubliko at pribado bukas, araw ng Miyerkules, July 18, 2018 sa lungaod ng Bacoor, Cavite.

Ito ay dahil pa rin sa pag-uulang dala ng bagyong Henry at pinaigting na southwest monsoon o hanging habagat.

Ngayong alas-8 ng gabi ay mahigit isang oras nang nakararanas ng mabigat na pag-ulan ang Bacoor at kasama ng ulan ang malakas na bugso ng hangin.

Walang patid ang pag-ulan, bagaman paminsan ay humihina, ngunit makalipas ang ilang minuto ay muli itong lalakas.

Sa mga mabababang lugar ay nagkakaroon na ng pagbaha dulot ng ulan.

TAGS: Bacoor, cavite, Bacoor, cavite

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.