Orange Rainfall Alert, itinaas sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan

Itinaas ang orange rainfall alert sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan Martes ng gabi.

Sa PAGASA rainfall alert na inilabas dakong 6:45 ng gabi, apektado ng intense rainfall o matinding pag-uulan ang Metro Manila, Cavite, Bataan, at Zambales.

Nangangahulugan ito ng 45 hanggang 65 millimeter rainfall sa susunod na 3 oras.

Samantala, nasa ilalim naman ng yellow rainfall warning o nakakaranas ng malakas na ulan ang Laguna, Batangas, Rizal, Bulacan at Pampanga.

Nakalabas na ang Bagyong Henry pero isa pang low pressure area (LPA) na inaasahang magiging Bagyong Inday ang papasok sa bansa sa Huwebes.

Pinalalakas ng naturang sama ng panahon ang Habagat na patuloy na nagpapa-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Read more...