Aquino pumalag sa panibagong kaso kaugnay sa Dengvaxia

Kinuwestyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang kawalan umano ng due process sa pagsasampa ng technical malversation complaint laban sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ombudsman kaugnay ng Dengvaxia.

Batay sa reklamo ng NBI, si Aquino at sina dating Health Sec. Janette Garin at dating Budget Sec. Butch Abad ay dapat litisin sa technical malversation dahil ang pondong pinambili sa Dengvaxia ay nakalaan sa ibang pagkakagastusan.

Dagdag ng NBI, ang P3.5 Billion na pinambili ng bakuna sa dengue ay hindi bahagi ng 2015 o 2016 General Appropriations Act o ang national budget.

Pero sinabi ni Aquino na natanggap lang niya ang subppoena noong May 25 at pinahaharap siya sa NBI at pinagsusumite ng ebidensya.

Pinunto ng dating pangulo na sa paghahanap ng NBI ng ebidensya sa imbestigayon ay hindi tinukoy sa pinadalang subpoena ang reklamo laban sa kanya para nasagot niya ito.

Pahayag ito ni Aquino sa pagharap sa Department of Justice (DOJ) kung saan siya nagbigay ng rejoinder sa isa pang Dengvaxia-related complaint na sumasailalim ngayon sa preliminary investigation.

Sinabi nito na hindi kailanman nagpadala ang NBI sa kanya ng ibang komunikasyon o paglilinaw sa nature ng kanilang imbestigasyon.

Argumento pa ni Aquino, mayroon daw ba talagang ginawang pagsusuri dahil hindi sila nasabihan o nabigyan ng kopya ng reklamo.

Read more...