PNP minamadali ng Malacañang sa kaso ng mga pinatay na local officials

Inquirer file photo

Minamadali na ng malakanyang ang Philippine National Police para maagapan ang sunod-sunod na pagpatay lalo na sa hanay ng mga lokal na opisyal.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, bagaman “on top of the situation” ang PNP ay kinakailangan ang mabilis na hustisya para sa mga biktima ng pagpatay.

Kabilang sa mga napatay kamakailan sina Tanauan City Mayor Antonio Halili, General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at Trece Martirez Vice Mayor Alexander Lubigan.

Ayon kay andanar, mahalaga na hindi na maulit ang insidente ng patayan para mapakalma ang mamamayan.

“Of course, we are also mindful na kailangan malaman din natin iyong dahilan kung bakit sila pinatay, is it because of drugs, is it because of politics or personal. So ang pagkaka-alam ko ay iba’t-ibang anggulo iyong mga local government officials na pinaslang”, dagdag pa ng kalihim.

Read more...