PAGASA: Isa pang bagyo posibleng pumasok sa bansa sa Huwebes

By Den Macaranas July 17, 2018 - 03:14 PM

Kalalabas pa lamang sa Philippine Area of Responsibility ng Tropical Depression Henry pero isa na namang sama ng panahon ang inaasahang papasok sa bansa sa loob ng susunod na 48 oras.

Kapag naging isang ganap na bagyo ay tatawagin itong “Inday”.

Ang nasabing sama ng panahon ay huling namataan sa layong 915 kilometers Silangan ng Aparri, Cagayan.

Hahatakin rin ng nasabing sama ng panahon ang Habagat na inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at Western Visayas pati na rin sa Metro Manila.

Samantala, ang bagyong Henry ay huling namataan sa layong 415 kilometers Kanluran ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 65 kph at pagbugso na umaabot sa 80 kph.

Tutumbukin ni Henry ang bansang China sa bilis na 45 kph pero inaasahan na ito ay lalo pang lalakas habang nasa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Babuyan Group of Islands, Batanes, Hilagang bahagi ng Ilocos Norte, Cagayan at Apayao.

TAGS: aparri, Bagyo, China, henry, inday, Pagasa, aparri, Bagyo, China, henry, inday, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.