Pasok sa Comelec sa Metro Manila at ilang lalawigan sinuspinde na

By Chona Yu July 17, 2018 - 12:00 PM

Dahil sa malakas na buhos ng ulan bunsod ng bagyong Henry nagsuspinde na rin ng pasok sa trabaho ang Commission on Elections (COMELEC) simula alas 12:00 ng tanghali.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, base na rin ito sa desisyon ng Commission en banc.

Kabilang sa mga walang pasok ang mga tanggapan ng Comelec sa sumusunod na lugar:

1) NCR
2) Region 4A
3) Region 4B
4) Bataan
5) Bulacan

Sinuspinde rin ng Comelec ang voters’ registration sa mga nabanggit na lugar.

Ayon kay Jimenez, sinuspinde rin ang trabaho sa COMELEC Main Office, sa Intramuros, Manila habang may pasok naman ang Security personnel at ang personnel na nakatalaga sa information technology data center.

TAGS: comelec, Radyo Inquirer, suspension of work, comelec, Radyo Inquirer, suspension of work

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.