Huling namataan ang bagyo sa 415 kilometers West ng Calayan, Cagayan.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos na ngayon ang bagyo sa bilis na 45 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Dahil nakalabas na ng bansa ang bagyo, inalis na ang umiiral na storm warning signal number 1 na naunang itinaas sa mga lalawigan sa northern Luzon.
Sa kabila ng paglabas ng PAR, patuloy na palalakasin ng bagyong Henry ang Habagat na magpapaulan sa Metro Manila, Z ambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at Western Visayas.
Samantala, ang Low Pressure Area na nasa loob ng PAR ay huling namataan ng PAGASA sa 915 kilometers East ng Aparri, Cagayan at inaasahang magiging bagyo sa susunod na 36 na oras.