Bagyong Henry lumakas pa, isa nang tropical storm pero nakalabas na ng bansa – PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 17, 2018 - 11:36 AM

Nakalabas na ng bansa ang bagyong Henry pero lumakas pa ito at isa na ngayong tropical storm.

Huling namataan ang bagyo sa 415 kilometers West ng Calayan, Cagayan.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos na ngayon ang bagyo sa bilis na 45 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Dahil nakalabas na ng bansa ang bagyo, inalis na ang umiiral na storm warning signal number 1 na naunang itinaas sa mga lalawigan sa northern Luzon.

Sa kabila ng paglabas ng PAR, patuloy na palalakasin ng bagyong Henry ang Habagat na magpapaulan sa Metro Manila, Z ambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at Western Visayas.

Samantala, ang Low Pressure Area na nasa loob ng PAR ay huling namataan ng PAGASA sa 915 kilometers East ng Aparri, Cagayan at inaasahang magiging bagyo sa susunod na 36 na oras.

TAGS: henry, Pagasa, Tropical storm, weather, henry, Pagasa, Tropical storm, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.