Orange rainfall warning nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Dahil sa nararanasang malakas at tuloy-tuloy na buhos ng ulan, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Orange warning level ang umiiral sa Metro Manila, Cavite, Bataan at Zambales base sa rainfall advisory ng PAGASA kaninang alas 11:00 ng umaga.
Habang yellow warning level naman ang umiiral sa Batangas, Rizal, Bulacan at Pampanga.
Babala ng PAGASA posibleng makaranas na ng pagbaha sa mga apektadong lugar.
Habang light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Laguna, Quezon, Tarlac at Nueva Ecija.
Muling maglalabas ng abiso ang PAGASA mamayang alas 2:00 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.