Alert level sa San Mateo River sa Rizal itinaas na
By Donabelle Dominguez-Cargullo July 17, 2018 - 11:11 AM
Itinaas na ang alert level sa San Mateo River sa San Mateo, Rizal.
Ito ay dahil sa pagtaas ng antas ng tubig sa ilog na umabot na sa 18.51 meters.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng San Mateo nakataas na ngayon ang alerto sa ilog.
Sa sandaling umabot sa 19 meters ang antas ng tubig ay itataas ang alarm level at critical level naman kapag umabot sa 20 meters.
Sa ngayon nagsasagawa na ng inspeksyon ang MDRRMO ng San Mateo sa mga mabababang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.