23 sugatan matapos mabagsakan ng lava ang tour boat sa Big Island sa Hawaii

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 17, 2018 - 09:35 AM

Photo from Hawaii Department of Land and Natural Resources

Sugatan ang 23 katao makaraang mabagsakan ng tumilapong lava mula sa bulkan ang bubungan ng sinasakyan nilang tour boat sa Big Island sa Hawaii.

Sakay ng tour boat ang mga turista para makita ang patuloy na pagbuga ng abo ng bulkan sa Hawaii na dalawang buwan nang nag-aalburuto.

Pero sa lakas ng pagbuga nito ng abo, inabot ng lava ang karagatan kung saan naroroon ang tour boat.

Isa sa 23 nasugatan ay seryoso ang kondisyon ayon sa Hawaii County Fire makaraang magtamo ng bali sa hita.

Ang iba sa mga pasaherong nasugatan ay nagtamo ng sunog sa katawan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.