Biyahe ng PNR sinuspinde dahil sa binahang riles ng tren

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 17, 2018 - 09:06 AM

Nagkansela na rin ng mga biyahe ang mga tren ang Philippine National Railways (PNR) dahil sa mga riles na lubog sa tubig baha.

Sa abiso ng PNR sa kanilang Facebook at Twitter, ang bahagi ng Magsaysay crossing, Paco Station at Dimasalang ay lubog sa tubig baha.

Nasa pagitan ng 3 inches hanggang 5 inches ang lalim ng naitalang pagbaha sa mga riles.

Bunsod nito, nakansela na ang magkakasunod na biyahe ng tren na patungo sa Alabang gayundin ang magkakasunod na biyahe patungo ng Tutuban.

Ayon sa PNR, stranded ang kanilang mga tren sa bahagi ng Alabang, Sucat, Dela Rosa, Vito Cruz at Pandacan Stations.

TAGS: flood, PNR, Radyo Inquirer, flood, PNR, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.