Pasok sa senado suspendido na
By Donabelle Dominguez-Cargullo July 17, 2018 - 08:55 AM
Suspendido na ang pasok sa Senado ngayong araw, July 17, 2018 dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ang suspensyon ay inanunsyo ni Senator Gringo Honasan.
Ito ay bilang kunsiderasyon sa mga empleyado ng Senado na mahihirapang pumasok dahil maraming lugar ang binabaha.
Sa abiso ng PAGASA alas 7:35 ng umaga, orange warning level ang nakataas sa buong Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.