Panukalang BBL aaprubahan na ng Bicam ngayong araw

By Erwin Aguilon July 17, 2018 - 08:50 AM

Inaasahang aaprubahan na ngayong araw ng bicameral conference committee ang panukalang Bangsamoro Basic Law.

Alas 10:00 ngayong umaga muling magkikita ang mga senador at kongresista na miyembro ng bicam upang pag usapan ang BBL.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas noong nakalipas na linggo, inaprubahan na “in principle” ng bicam ang BBL.

Binigyan ng mga mambabatas sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Fariñas ng kapangyarihan upang plantsahin pa ang natitirang hindi pinagkakasunduang probisyon.

Ngayong araw ilala ng dalawang lider sa mga miyembro ang kanilang napag usapan upang ito ay maaprubahan.

Matapos ito ay dadalhin sa pangulo ang naaprubahang bersyon ng BBL para sa kanyang pagsang -ayon.

Matapos ito, raratipikahan ng dalawang kapulungan sa pagbubukas ng sesyon ang BBL bago lagdaan ni pangulong Duterte sa mismong araw din ng kanyang SONA sa lunes.

TAGS: BBL, bicameral, Radyo Inquirer, BBL, bicameral, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.