9 sugatan, 300 pamilya nasunugan sa Quezon City

 

Tinupok ng apoy ang tinatayang 100 kabahayan sa Brgy. Tatalon, Quezon City kagabi kung saan may 300 pamilya ang nasunugan.

Nagsimula ang sunog dakong 7:00 kagabi at umabot pa sa task force Alpha bago naapula at idineklarang fire out ng 9:47 ng gabi.

Siyam katao rin ang nasugatan sa naturang sunog at kabilang dito ay tatlong taga-media at si Asst. Regional Director for operations Crispo Diaz ng Bureau of Fire and Protection-NCR .

Kritikal naman ang kundisyon ng isang fire volunteer na si Manuel Claudio matapos mabagsakan ng poste ng kuryente.

Samantala, pansamantalang inilikas ang 300 na pamilya sa Mabuhay covered court.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kinauukulan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukumpirma kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Read more...