Sa ngayon sinabi ng Marikina City rescue, nananatiling walang nakataas na alarma sa ilog.
Gayunman, sa sandaling umabot sa 15 meters ang water level sa Marikina River itataas na ang alert level 1.
Alert level 2 naman ang itataas kapag umabot sa 16 meters kung saan paghahandain na ang mga residente sa posibleng paglikas.
Alert level 3 naman kapag umabot na sa 17 meters kung saan isasagawa na ang paglilikas.
Patuloy ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES