Orange rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Metro Manila, Bulacan, Bataan at Batangas

Dahil sa nararanasang malakas at tuloy-tuloy na buhos ng ulan, itinaas na ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Orange warning level ang umiiral sa Metro Manila, Bulacan, Bataan at Batangas base sa 7:35 rainfall advisory ng PAGASA.

Habang yellow warning level naman ang umiiral sa Rizal, Cavite, Pampanga at Zambales.

Babala ng PAGASA posibleng makaranas na ng pagbaha sa mga apektadong lugar.

Habang light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Laguna at Quezon.

Muling maglalabas ng abiso ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga.

Read more...