Gov. Tallado ng Camarines Norte, isang taong suspendido
Sinuspinde ng isang taon ng Ombudsman bilang gobernador ng Camarines Norte si Governor Edgardo Tallado dahil sa kabiguan nitong ibalik sa trabaho ang isang nasibak na empleyado kahit may utos na ang Civil Service Commission o CSC.
Si Governor Tallado ay matatandaang naging kontrobersyal nang maging viral sa mga social media sites ang larawan nito na may kasamang babaeng nakahubad.
Ang naturang larawan ang naging dahilan ng kanyang pagkakasibak sa Liberal Party dahil sa pagkakaroon umano ng relasyon sa ibang babae bukod sa kanyang asawa.
Inakusahan din ang gobernador at binanataan umano ang kanyang sariling misisna siyang nagpakalat ng mga larawang gobernador at ng kinasakama nitong babae.
Ayon sa kautusan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagkaroon ng oppression at grave abuse of authority sa panig ni Gov. Tallado dahil hindi nito sinunod ang utos ng CSC noong 2013 na ibalik sa trabaho ang provincial veterinarian na si Edgardo Gonzales.
Bukod sa gobernador, suspendido naman ng anim na buwan ang provincial legal officer na si Sim Mata Jr., at supervising administrative officer na si Mario dela Cruz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.